Ang Pang- Diyosesanong Dambana ng Immaculada Concepcion
Naic, Cavite
Noong 1796, ang naic ay inihiwalay bilang malayang parokya sa Maragondon at naging patrona ay ang La Immaculada Concepcion. Si Padre Jose delos Reyes, isang paring Pilipinong Secular, ang unang naging cura capellan. Noong 1839, sinimulan ang pag papagawa ng simbahang bato subalit dahil sa kulang sa pondo ito ay walang Campanarion. Noong 1841, Si Padre Vicente Lopez ay naging kura ng Naic at kanyang sinimulan ang pagpapagwa ng ng plano para sa kumbentong yari sa bato na may tatlong retablo ang simbahan noong 1855. Noong 1863, isinulat ni Padre Modesto de Castro sa kumbento ng Naic ang aklat na may pamagat ng "Ang Pagsusulat nina Urbana at Feliza", isang aklat na nagpapahalaga sa literaturang Filipino. Noong 1874 sinimulan ni Padre Francisco Govena ang pagpapagawa ng simbahan at apri na rin ng kumbento. Noong 1892, ganap na matapos ang mas malaking simbahan at kumbento na sa kasalukuyan ay nakatayo pa rin. Sa kumbentong ipinagawa ni Padre Modesto de Castro , tanging ang kasalukuyang hagdan paakyat ng kumbento ang natira. Ang simbahan ng Naic ay isa sa pinaka malaking simbahan sa Cavite na bukod tanging yari sa estilo neo gotico na karaniwang estilo ng mga simbahan na ipinatayo ng mga Dominiko. Noong 1996, ipinagdiwang ang bicentennial ng parokya at noong ika-17 ng Nobyembre, 1996, ang simbahan ay kinunsagra ni Arsobispo Ricardo Cardinal Vidal. Noong ika-8 ng Disyembre nang taong din iyon ay ipapahayag ang simbahan bilang Dambanang Pang-Diyosesano ng Immaculada Concepcion. Noong 2007, ang bagong retablo ay binasnasan ni Obispo Luis Antonio Tagle S.T.D, D.D.